4th batch ng mga Filipino repatriates mula Israel, nakauwi na ng bansa

Nakauwi na sa bansa ngayong araw ang 4th batch ng mga Pilipino galing ng Israel sakay ng Etihad Airways flight EY 424.

Mag aalas-4 na ng hapon nang lumapag ang eroplano ng mga Overseas Filipino Worker (OFW).

Sila ay personal na sinalubong ni Department of Migrant Workers (DMW) Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac.


Ang mga Pinoy repatriates ay binubuo ng 60 na mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at dalawang sanggol.

Sa mga OFWs, 32 ang hotel workers habang ang 28 naman ay caregivers.

Sa ngayon ay nasa 119 na ang kabuuang bilang ng mga OFW na nakabalik na ng Pilipinas mula sa kaguluhan sa Israel at Gaza.

Facebook Comments