4th commemoration ng Marawi Liberation, dinaluhan ni Pangulong Duterte

Pinangunahan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 4th commemoration ng Marawi liberation ngayong araw.

Pasado alas-3:00 kaninang hapon nang dumating ang pangulo sa loob ng most affected area o ground zero upang inagurahan ang Grand Islamic Center na nasira dahil sa halos limang buwang labanan ng tropa ng gobyerno at ng mga terorista noong 2017.

Pagkatapos ng inauguration, isinagawa ang briefing sa kanyia ni Task Force Bangon Marawi Chairman Sec. Eduardo Del Rosario at National Housing Authority General Manager Marcelino Escalada tungkol sa ongoing rehabilitation.


Hindi na umabot ng limang minuto ang mensahe ni Pangulong Duterte. Binasa lang niya ang English na prepared speech.

Sa kaniyang mensahe, kaniyang pinasalamatan ang mga ahensiya at mga sundalo at pulis na nagtulong-tulong upang matupad ang kaniyang pangakong ibabangong muli ang Marawi City.

Sa programa, nagsagawa ng ceremonial turn-over of titles ng permanenteng pabahay mula sa National Housing Authority o NHA para sa mga displaced families, titulo ng lupa mula sa Department of National Defense at assistance mula sa Cooperative Development Authority.

Facebook Comments