Pinayuhan ni Dr. Edsel Salvaña, isang infectious disease expert ang publiko na wag munang magpaturok ng 4th dose ng bakuna kontra COVID-19.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Salvaña na hindi pa kasi tiyak ang pagiging epektibo ng 4th dose at ang posibleng side effects nito.
Sa ngayon ani Dr. Salvaña, may mga pag-aaral pa na ginagawa ang mga eksperto sa abroad hinggil dito.
Posible rin aniyang mas maging epektibo ang tinatawag na next generation vaccines kumpara sa 4th dose.
Pokus ngayon ng pamahalaan na pataasin pa ang mabibigyan ng primary doses lalo na sa A2 category o mga senior citizens.
Kasunod nito, tiniyak ni Salvaña na kung makakita man ng mga ebidensya para payagan na ang 4th dose sa bansa ay uunahing ibigay ito sa mga medical health workers na lantad sa virus gayundin ang mga vulnerable sectors tulad ng mga nakatatanda at may comorbidities.