
Naniniwala si Navotas City Rep. Toby Tiangco na may basbas ni dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez ang ikaapat na impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Katwiran ni Tiangco, isa sa nag-endorso ng 4th complaint laban kay VP Sara ay si House Deputy Speaker at La Union Rep. Paolo Ortega V na kasamahan ni Romualdez sa partidong Lakas.
Naniniwala si Tiangco na kinonsulta ni Ortega si Romualdez na siyang pangulo ng partido.
Ayon kay Tiangco, ang ganitong kalaking bagay ay tiyak ikokonsulta muna ng isang miyembro ng partido sa kanilang leader.
Sa tingin din ni Tiangco, posibleng humarap si Romualdez sa pananagutan ukol sa maanomalyang flood control projects sakaling magwagi si VP Sara sa pagkapangulo sa 2028 elections.










