4th Kagalawan Festival ng LGU Datu Abdullah Sangki , All Set na!

Patuloy ang imbetasyon ng Local Government Unit ng Datu Abdullah Sangki sa Maguindanao , sa publiko na bumisita at makisaya sa kanilang ika 14th Founding Anniversary ng bayan sa August 20.

Inilatag na rin ang ilang mga aktibidad na kinabibilangan ng gagawing Medical and Dental Mission, pamamahagi ng wheel chairs at reading eye glasses, pagbubukas ng public terminal at ribbon cutting ng bagong gawang Landmark .

Samantala inaasahang magiging bisita sa okasyon si Special Assistant for the President Christopher Bong Go, Spokesperson Harry Roque, Assistant Secretary of the Presidential Communications Operations Office Mocha Uson, Ilocos Norte Gov. Maria Imelda Josefa “Imee” Romualdez Marcos at dating PNP Chief Bato Dela Rosa.


Mas papasayahin pa ang 4th Kagalawan Festival sa DAS ng mga celebrities kabilang na ang actor na si Gabby Conception, Sky Cornejo, MJ CAYABYAB, VERGEL DE GUZMAN, Geoffrey Taylor , mga bandang mula Davao City at ang Grin Department.

Kaugnay nito hinikayat ng LGU DAS Mayor Bai Mariam Sangki Mangudadatu na saksihan at idiskubre ang Kagalawan Festival, ang Kagalawan ang Maguindanaon dialect na ang ibig sabihin ay Kasiyahan.

Facebook Comments