4th quarter exam ng mga mag-aaral na apektado ng class suspension dahil sa COVID-19, kanselado na ayon sa depEd

Magpapatupad ng isang “grading formula” ang department of education para sa computation ng final grades ng mga estudyante na apektado ng class suspension dahil sa COVID-19.

Ito ay batay sa inilabas na Memorandum Number 42 ng Department of Education (DepEd) kahapon na inilabas sa publiko ngayong araw.

Nakasaad sa memorandum na hindi na pakukuhanin ng 4th quarter examination ang mga mag-aaral sa Metro Manila at mga lokalidad na apektado ng class suspension.


Ibabatay ito sa class standing ng mga mag-aaral sa kanilang writtern works at performance task.

Gayunman, sinabi ng DepEd na susundin pa rin ng mga paaralan ang policy guidelines sa classroom assessment para sa k to 12 basic education program para sa 4th quarter grade.

Isasama rin ng DepEd sa memo ang iba pang pamamaraan para sa pag-compute ng grado ng mga mag-aaral

Facebook Comments