Ikakasa na ngayong araw ang 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake at Tsunami Drill.
Ito ay matapos makaranas ng sunud-sunod na Lindol sa ilang bahagi ng Mindanao.
Layunin nitong masubok ang kahandaan ng publiko sakaling may tumamang Lindol.
Gaganapin ang ceremonial venue sa Calapan City, Oriental Mindoro.
Sa Central Visayas, ang Office of Civil Defense Region 7 ay pinili ang Talisay City, Cebu bilang pilot area ng isasagawang drill.
Sinabi ni Talisay CDRRMC Officer Alvin Santillana, nasa 40,000 na katao ang inaasahang makikilahok sa Earthquake Simulation.
Umapela ang OCD-7 sa mga Eskwelahan, Mall, Government Institutions at High-Rise Buildings sa Rehiyon na makibahagi sa drill na gaganapin mamayang alas-9:00 ng umaga.
Maliban sa Cebu, makikibahagi rin sa simultaneous drill ang Bohol, Iloilo, Siquijor, at Negros Oriental.