4th Quarter nationwide simultaneous earthquake drill, isasagawa ngayong araw

Hinihikayat ng Office of Civil Defense (OCD) ang publiko na makiisa sa gaganaping 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill o NSED ngayong araw.

Sa abiso ng OCD, gagawin ang drill mamayang alas-dos ng hapon kung saan ang Camiguin sa Northern Mindanao ang sentro ng programa.

Bukod sa nakasanayang duck, cover, and hold ay magkakaroon din ng simulation exercises sa pagtama ng tsunami at pagsabog ng bulkan.


Ayon sa OCD, layon ng drill na subukan ang Harmonized National Contingency Plan para sa inaasahang pagtama ng pinangangambahang magnitude 7.2 na lindol.

Paliwanag pa ng OCD, sa pamamagitan ng patuloy na pagsasanay maiiwasan ang pagkawala ng maraming buhay at bilang ng mga masasaktan kapag tumama ang lindol.

Facebook Comments