4th quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill tuloy kahit may bagyo at may pandemya

Tiniyak ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na matutuloy bukas ang 4th quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED).

Ito ay sa kabila nang pananalasa ng Bagyong Ulysses at COVID-19 pandemic.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Usec. Ricardo Jalad, gagawin bukas ng alas-9:00 ng umaga ang nationwide earthquake drill sa pamamagitan ng online ceremonial pressing of button, hudyat na kinakailangan ng bawat isa ay magsagawa ng duck cover and hold sa mga bahay at sa mga opisina.


Para kay Jalad, mahalaga na patuloy tayong handa sa anumang sakuna katulad nang lindol kahit pa may pandemya.

Ang 4th Quarter NSED ay nakatakda tuwing buwan ng Nobyembre na paghahanda sa lindol at tsunami at bilang pagsuporta sa World Tsunami Awareness Day na inoobserba tuwing ika-5 ng Nobyembre.

Nanawagan si Jalad sa lahat ng mga Pilipino na makiisa bukas sa Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED).

Facebook Comments