Dumalo ang libong mga indibidwal sa isinagawang motorcade sa bayan ng Buldon kahapon ng umaga kasabay ng opisyal na pagsisimula ng 4th Saduratan Festival.
Nagsimula ang motorcade sa Brgy Aratuc habang kabilang sa mga lumahok ay mga LGU employees, PNP, army at pinangunahan ni Buldon Mayor Abolais Manalao.
Sinundan ang aktibidad ng kunting salo salo at mga traditional sports activities tulad ng SIPA, Horse Exhibition at Carabao Race , kagabi isinagawa rin ang PARAMATA o search for mutya ng Buldon. Itinampok rin ang Umbrella for Peace.
Ngayong araw ay gagawin ang Street Dancing Festival habang kahapon daang mga bikers ang nakiisa sa 1st Mountain Bike Challenge.
Lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Manalao sa kanyang mga kababayan sa suporta at paglahok ng mga ito sa ibat ibang programa, bunga aniya ito ng pagkakaayos ng lahat ng away pamilya sa kanyang bayan.
Kaugnay nito iniimbitahan naman ni LGU ang lahat ng saksihan ang kanilang mga aktibidad, bukas nakatakdang gagawin ang culmination activies sa Gymnasium ng Buldon.