#4thStraightYear : Cotabato City nagdiwang ng Peaceful Eidl Fitr

Lubos na nagpapasalamat ang mga opisyales at mga otoridad sa mga taga Cotabato City matapos na salubungin ng payapa at ipagdiwang ng matiwasay ang pagtatapos ng buwan ng Ramadan o ang Eidl Fitr.

Base sa record ng City PNP, walang mga untoward incident ang naitala sa apat na himpilan ng kapulisan sa syudad bukod pa sa walang may naireport na narinig na putok ng baril maging paputok ayon pa kay City PNP Director SSupt Rolly Octavio sa panayam ng DXMY.

Nakiisa rin ang lahat sa naunang panawagan ng City PNP at LGU na walang magsasagawa ng Mobile Takbir lalo na ng matapos ideklara ang Eidl Fitr kagabi.


Kaugnay nito pinuri rin ni City Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani Sayadi ang publiko na naging disiplinado di lamang ngayong okasyon kundi maging sa iba pang okasyon katulad ng Bagong Taon.

Sinasabing ito na ang ika apat na taon na naging maayos ang pagdiriwang ng mga malalaking religious activity sa Cotabato City.

Matatandaang noong mga nagdaang panahon, ilang mga taga syudad ang naisugod sa ospital matapos matamaan ng ligaw na bala o dili kayay naputukan ng firecrackers sa kasagsagan ng okasyon.

GOOGLE PIC

Facebook Comments