5, 000 CASH ASSISTANCE, IBINAHAGI SA MGA NASUNUGAN SA DAGUPAN CITY

13

Namahagi ang Department of Social Welfare and Development Region 1 ng financial assistance sa mga naapektuhang pamilya sa nangyaring sunog sa Sitio Patalan, Pantal Dagupan City noong nakaraang linggo.

Ginawa ang pamamahagi sa Pantal Elementary School na nagsisilbing evacuation center, kung saan 22 pamilya ang nakatanggap ng 5, 000.


Bukod sa financial assistance nabigyan din ang mga ito ng relief packs, sleeping kit, family kit, kitchen kit at hygiene kit.

Ginawa umano ito upang kahit paano ay makapagsimula muli ang mga nasunugan, lalo na at ilan sa kanila ay walang naisalbang gamit.
Matatandaan na nasunog ang magkakatabing bahay sa naturang barangay noong ika-3 ng Hunyo.

Facebook Comments