Mahigit 5.1 million doses ng COVID-19 vaccines ang nakatakdang dumating sa Pilipinas ngayong linggo.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez, kabilang sa mga inaasahang darating ay ang 3 milyong doses ng Sinovac, 360,000 doses ng Pfizer at humigit kumulang na 1.8 million doses ng Moderna.
Aniya, ang paparating na Sinovac at Pfizer vaccines ay pawang binili ng national government, habang ang Moderna ay binili ng pamahalaan at ng private sector sa pamamagitan ng tripartite agreement.
Bukod dito, darating din bago matapos ang buwan ng Agosto ang 3 milyong doses ng bakuna mula sa COVAX Facility.
Sinabi rin ni Galvez na 10 million na COVID-19 vaccine ang matatanggap din ng Pilipinas simula sa Setyembre, partikular ang Pfizer, Sinovac, at Moderna.