5.1-M SAP 2 beneficiaries, naayudahan na!

Nakatanggap na ng ayuda ang nasa 5.1 milyong benepisyaryo ng ikalawang tranche ng Social Amelioration Program (SAP).

Ito ay higit 40% ng 17 million target beneficiaries ng SAP 2.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Usec. Glen Paje na nasa 32.5 billion pesos na halaga na ng cash aid ang kanilang naipamahagi.


Target ng DSWD na matapos ang distribusyon sa katapusan ng Hulyo.

Gayunman, aminado si Paje na malaking hamon sa kanila ang paghahatid ng ayuda sa mga liblib na lugar lalo na sa lugar na walang internet access.

Kasabay nito, umapela ng pang-unawa ang DSWD sa pagkaantala sa pamamahagi ng ayuda bunsod ng isinasagawang validation process ng mga lokal na pamahalaan.

Sakop ng SAP 2 distribution ang National Capital Region (NCR), CALABARZON, Region III (maliban sa Aurora Province), Benguet, Pangasinan, Albay, Iloilo, Bacolod City, Cebu Province, Zamboanga City at Davao City.

Facebook Comments