5.1 MILYONG PISO, IPINAMAHAGI SA MGA INDIBIDWAL NA KABILANG SA CASH FOR WORK PROGRAMA SA ANDA

38

ANDA, PANGSINAN – Ibinigay na ng Department of Social Welfare and Development 1 ang 5. 1 milyong piso para sa mga benepisyaryo ng Risk Resiliency Program – Climate Change Adaptation and Mitigation Disaster Risk Reduction (RRP-CCAM DRR) Cash for Work Program sa bayan ng Anda.

Ayon sa DSWD Field office 1, benepisyaryo ng naturang programa ang mga indibidwal mula sa 18 barangay sa bayan na nagtrabaho ng sampung araw sa ilalim ng programa.


Sinabi ni MSWDO Officer, Jowey Celzo, hindi lamang dagdag na kita sa bawat pamilya ito ngunit daan din upang mapangalagaan ang kapaligiran.

Ang RRP-CCAM DRR, ay nagbibigay ng pansamantalang trabaho sa mga residente ng rehiyon sa pamamagitan ng cash-for-work-scheme.

Facebook Comments