Abot na sa mahigit 5.2 milyon doses ng bakuna ang naiturok na ng QC local government sa lungsod ng Quezon.
Ito’y resulta ng patuloy na isinasagawang QC Protek Todo vaccination program ng lokal na pamahalaan sa tulong ng kanilang healthcare workers, staff at volunteers.
Ayon sa QC Local Government Unit (LGU), sa ngayon ay na sa 2,300,352 na ang fully vaccinated na indibidwal kasama na rito ang mga naturukan ng single-dose vaccine na Janssen.
Umabot na rin sa 2,232,026 nang mga naninirahan at manggagawa sa lungsod ang naturukan na ng isang dose ng vaccine habang nasa 256,530 ang kasalukuyang bilang ng nabakunahang mga batang with or without comorbidity sa ilalim ng programa.
Samantala, patuloy na hinihikayat ng LGU ang mga mamamayan sa lungsod na magrehistro na sa QC Vax Easy upang makatanggap ng schedule ng pagbabakuna.