5.4 magnitude na aftershocks, naitala ng PHIVOLCS sa Bucay, Abra

Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang Bucay, Abra kaninang alas-3:38 ng hapon.

Natunton ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang episentro ng lindol sa 004 km sa bahaging Timog Kanluran ng Bucay, Abra.

Ito ay may lalim na 10 km at tectonic ang pinagmulan.


Instrumental Intensities:
Intensity IV – Vigan City, Ilocos Sur
Intensity II – Sinait, Ilocos Sur; Laoag City, Ilocos Norte
Intensity I – Baguio City, Benguet; Pasuquin, Ilocos Norte; Gonzaga and Penablanca, Cagayan

Ayon sa PHIVOLCS, epekto ng aftershocks ang naramdamang pagyanig.

Asahan pa ayon sa PHIVOLCS na magkakaroon pa ng susunod na mga aftershock dulot ng magnitude na 7.0 na lindol na naramdaman sa malaking bahagi ng Luzon.

Facebook Comments