5, 500 BENEPISYARYONG MULA SA MARGINALIZED SECTOR SA LINGAYEN, TUMANGGAP NG TULONG PINANSYAL

LINGAYEN, PANGASINAN – Naipamahagi na ang tulong pinansyal para sa limang libo limang daan o 5, 500 na mga benepisyaryo na kabilang sa nasa marginalized sector sa bayan ng Lingayen.

Ayon sa Lokal na Pamahalaan, nasa 3, 500 na slot lamang ang inisyal na naaprubahan para maabutan ng financial aid subalit mula sa request ng Chief Executive ng bayan ay na-accommodate ang karagdagang mga indibidwal na makatatanggap nito.

Ang dalawang araw na payout ay ginanap mula ika-dalawampu hanggang ika-dalawampu’t isa ng Hulyo sa Narciso Ramos Gym na siya namang dinaluhan ng mga benepisyaryo na na-validate at na-beripika ng Department of Social Welfare and Development Regional Office I.


Facebook Comments