Nag-iwan ng pinsala sa ilang mga establisyimento at imprastraktura ang naganap na pagyanig sa lalawigan ng Ilocos Norte.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST), umabot sa 5.6 magnitude na lindol ang naitala sa bayan ng Bangui, mula sa una nitong 5.8 magnitude.
Ilang mga bahagi pa ang nakaranas ng epekto nito tulad sa Sinait at Cabugao sa Ilocos Sur, Sarrat sa Ilocos Norte na nakapagtala ng Intensity V.
Intensity IV sa Claveria, Cagayan; Tubo, Abra habang Intensity III sa Lacub, Abra at Intensity II sa Aparri at Lasam sa Cagayan.
Pagdating sa instrumental Intensities, naitala ang Intensity V sa San Nicolas, Ilocos Norte; Intensity IV sa Sinait at Vigan City Ilocos Sur; Intensity III sa Gonzaga, Cagayan habang II naman s Penablanca, Cagayan; Bangued, Abra at Bontoc, Mountain Province.
Napinsala naman ang department store sa Laoag City at nalamatan din ang makasaysayang Sta. Monica Church sa Sarrat, Ilocos Norte.
Kaugnay nito, pinaaalalahan ng Office of the Civil Defense Ilocos Region ukol sa ibayong paghahanda ng bawat isa partikular sa mga apektadong rehiyon – 1, 2 at 3.
Samantala, matatandaan na nagsimulang makapagtala ng magkakasunod na offshore tremors ang PHIVOLCS nitong buwan ng Disyembre kaya mas pinaigting ang pagtutok sa sitwasyon sa mga nasabing rehiyon laban sa posibleng banta ng naturang kalamidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨