Inaasahang darating sa Pilipinas sa loob ng first quarter ng taon ang nasa 5.6 million doses ng coronavirus vaccines para simulan ang mass immunization program.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., ang mga bakuna ay manggagaling sa Pfizer-BioNTech at AstraZeneca.
Ang 5.6 million doses ay binubuo ng unang batch ng kabuoang 9,407,400 doses na nakatakdang dumating sa bansa para sa first at second quarter ng taon.
May pahintulot mula sa World Health Organization (WHO) at United Nations ang mga bakuna sa pamamagitan ng Emergency Use Listing (EUL).
Ang nasa 117,000 doses ng Pfizer vaccines ay darating sa kalagitnaan ng Pebrero habang ang 5.5 million doses ng AstraZeneca ay darating sa kalagitnaan hanggang sa katapusan ng buwan.
Matatandaang inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang dalawang vaccine manufacturers ng Emergency Use Authorizations (EUA).