5 airport police na sinasabing nangikil sa Chinese na pasahero sa NAIA, kinasuhan na ng PNP-AVSEGROUP

Sinampahan na ng reklamo ng Philippine National Police Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP) ang limang tauhan ng Airport Police Department na sinasabing nangikil sa isang Chinese national na naghatid ng kaibigan sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA 3.

Ayon kay Lt. Col. Alfred Lim, hepe ng PNP AVSEGROUP sa NAIA 3, reklamong robbery extortion ang kanilang inihain sa Pasay Prosecutor’s Office.

Sa salaysay ng biktima, maghahatid sana ang biktima ng kanyang kaibigan na isa ring Chinese national nang lapitan sila at sitahin ng limang APD members.


Hinanapan aniya siya ng pasaporte ng mga ito, pero dahil hindi naman siya ang bibiyahe, hindi niya dinala ang kanyang passport pero pinakita niya ang screen shot sa kanyang cellphone.

Dito na aniya siya kinikilan ng P15,000 ng mga tauhan ng APD kapalit ng hindi raw pagkulong sa kanya.

Napilitan aniya siyang magbigay ng naturang halaga para hindi siya makulong.

Facebook Comments