5 alkalde sa CALABARZON, inalisan ng police powers

Manila, Philippines – Inalisan ng police powers ng National Police Commission o NAPOLCOM ang limang alkalde sa Region 4A o CALABARZON.

Ang mga ito ay sina:
1) Mayor Eulalio Alilio ng Lemery, Batangas

2) Mayor Raul Palino ng Teresa, Rizal


3) Mayor Antonio Halili ng Tanauan City, Batangas

4) Mayor Cecilio Hernandez ng Rodriguez, Rizal

5) Mayor Loreto Amante ng San Pablo City, Laguna

Ang mga ito ay sangkot umano sa operasyon ng iligal na droga sa kanilang lugar matapos ang isinagawang validation sa mga ito.

Ang mga nasabing alkalde ay nasa Narco List umano ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kinumpirma ni Police Supt. Chitadel Gaoiran ang Spokesperson ng PNP Region 4A na may natanggap na silang order hinggil dito.

Dahil dito ay tinanggalan na rin ng kapangyarihan ang limang alkalde na mamili ng kanilang mga Chief of Police.

Facebook Comments