5 ang Patay at 19 ang Sugatan sa Nangyaring Salpukan ng Dalawang Pampasaherong Van sa Lalawigan ng Cagayan

Amulung, Cagayan – Dead on arrival ang limang pasahero ng dalawang commuter van na naaksidente sa Monte Alegre, Amulung, Cagayan.

Ito ang nalaman ng RMN Cauayan News Team katuwang ang RMN Affiliate Radyo DZCV reporter Evangeline Malana mula sa hepe ng Amulung PNP na si PCI Manuel Viloria Jr.

Ang mga namatay na nakasakay sa Isuzu passenger van na patungo sa lungsod ng Tuguegarao ay sina Reynalda Tolentino, Marivic Battung at Hemelita Cadiz na pawang nakatira sa Baggao, Cagayan.


Ang mga sugatan na sakay sa naturang van ay ang mag-amang Samsung Catolos Sr at Samsung Catolos Jr., Katherine Rodriguez-23 anyos, Jerico Soliman-22 anyos, Izelle Natividad-29 anyos, Jonathan Dubaran-7 anyos, Jonito Sarayna-22 na pawang nakatira sa Baggao, Cagayan, Marites Baril-38 anyos, Kerby Baril-8 anyos, Kim Baril-5 anyos na pawang taga Manila, Jonathan Duran at isang di pa nakikilala.

Samantala, ang namatay na sakay sa Toyota Hi-Ace van ay nakilalang sina Erlinda Doran at Floraida Sales na kapwa residente ng Alcala, Cagayan. Anim ang naitalang sugatan na sina Mary Ann De Leon-36 anyos, Zenaida Gammad-60 anyos, Louie Mae Sorita-7 anyos, Mae Pacencia Sorita na pawang taga Alcala, Cagayan, Rexmel Rumusud ng Iguig, Cagayan, Jenifer Guiterring-30 anyos ng Penablanca, Cagayan, at John Cedric Solina ng Carig, Tuguegarao City.

Magugunitang bandang 10:25 ng umaga, Oktubre 1, 2017 ay biglang sumabog ang likurang gulong ng Isuzu van na papuntang Tuguegarao na siyang dahilan ng kanyang pagbalandra ng tagiliran nito sa nguso ng kasalubong na van.


Facebook Comments