5-anyos, malapitang binaril ng kapitbahay habang nagbibisikleta

1424

Patay ang isang 5-anyos na lalaki matapos umanong barilin ng kapitbahay habang naglalaro lamang sa labas ng bahay sa Wilson, North Carolina.

Nagbibisikleta ang batang si Cannon Hinnan kasama ang 7- at 8-anyos na mga kapatid nang paputukan ng suspek na si Darius Sessoms, 25, ayon sa ulat ng WRAL noong Linggo.


Isinugod pa sa ospital ang biktima, ngunit binawian din ng buhay.

Sa salysay ng isang residenteng nakasaksi ng krimen, tumakbo raw si Sessoms palapit sa bata, tinutok ang baril sa ulo, saka pinaputukan at kumaripas pabalik sa kanyang bahay.

Inakala pa umano ng saksi na nakikipaglaro lang ang suspek sa biktima, ngunit nang mapagtantong totoo ang pamamaril ay agad siyang tumawag sa awtoridad.

Ayon sa pulisya, hindi palambang ang pagpatay ni Sessoms sa bata, ngunit wala naman umano itong sinabing motibo.




Isa pang kapitbahay ang nagsabing namataan pang magkasama si Sessoms at tatay ni Cannon noong Sabado, gabi bago mangyari ang insidente.

Nahaharap sa kasong first-degree murder ang suspek na nadakip sa ibang lungsod.

Facebook Comments