5-Anyos na Bata, Hinihinalang Nalunod; Patay

305

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang 5 taong gulang na hinihinalang nalunod sa irigasyon sa Brgy. Sta Cruz, San Manuel, Isabela.


Kinilala ang biktima na si alyas ‘Boy’ at residente ng Sitio Turod, Brgy. Sta Cruz sa bayan ng San Manuel.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng PNP San Manuel, naglalaba sa irigasyon ang nanay ng biktima na si Ginang Ester Duque habang ang anak nitong biktima kasama ang mga kapatid at iba pang mga bata ay naglalaro sa nasabing irigasyon.

Nang pauwi na ang mga ito, napansin nila na nawawala ang biktima at hinihinalang siya ay tinangay ng tubig.

Agad itong ipinagbigay alam sa himpilan ng pulisya subalit nakita na lamang kinabukasan ang palutang-lutang na katawan ng biktima sa irigasyon sa nasabi rin barangay.

Facebook Comments