5-anyos na estudyante, nagdala ng isang bag ng cocaine sa eskwelahan

3708

Hindi kwaderno o lapis ang laman kundi isang bag ng cocaine ang dinala ng 5-anyos na lalaki sa kanilang eskwelahan sa Holyoke, Massachusetts, nakaraang Huwebes, Nob.14.

Ayon sa guro, sinabi raw ng kanyang estudyante na para siyang si Spiderman nang matikman ang naturang droga na nakuha niya sa kanilang bahay.


Dahil sa nangyari ay agad na nagtungo sa school principal ang guro saka tumawag ng ambulansya at pulis.

Dinala ang bata sa ospital kung saan sinuri ang dalang droga nito na mistulang nakabalot pa at batay sa imbestigasyon, wala namang nabawas dito.

Hindi naman malinaw kung bakit dinala ng bata ang bag ng cocaine.

Kaugnay nito, tinunton ng mga pulis ang bahay ng bata at dito natagpuan ang 38 iba pang bag ng cocaine at 70 bags ng heroin na sinasabing pagmamay-ari ng kanyang ama.

Hinuli ang kanyang tatay na si Benny Garcia na humaharap sa magkahiwalay na kaso.

Samantala, kasalukuyan namang nasa kustodiya ng social services ang bata.

Facebook Comments

From Advertisers