5-anyos na nawawala mismong araw ng Pasko, natagpuang patay sa isang pond

2024
(Image from Unsplash)

MICHIGAN, USA – Patay na nang matagpuan ang 5-anyos na bata na sinasabing nawawala mismong araw ng pasko.

Sa ulat ng pulisya, narekober ang bangkay ni Beau Brennan Belson sa isang pond, Huwebes ng hapon malapit sa bahay ng kanyang kaanak sa Six Lakes, Michigan.


Sa inilahad na salaysay ng mga pulis, bandang alas 2:30 ng hapon noong Miyerkules ng mapansin ng kanyang pamilya na nawawala ang bata matapos itong lumabas ng bahay.

Agad nagsagawa ng operasyon ang awtoridad at sa loob ng 24 oras na nawawala ang biktima, saka tumambad sa kanila ang wala ng buhay na si Beau.

“Unfortunately he was found in a pond and he is no longer with us. Our thoughts and prayers go out to the family,” ani Lt. Commander Kevin Sweeney.

Samantala, patuloy pa rin ang imbestigasyon sa nangyari at wala pa ring inilalabas na dahilan ng pagkamatay ng paslit.



Facebook Comments