5-Anyos, Patay nang Masagasahan ng SUV!

2608

*S**antiago City**- *Halos durog ang buong katawan ng 5-anyos na lalaki matapos na masagasahan ng rumaragasang SUV partikular sa harap ng St.James The Apostle School, Centro West, Santiago City.

Nakilala ang biktima na si Jedai M. Dimayacyac na residente ng Brgy. Patul, Santiago City habang ang suspek ay si Iloisa Joy Aggalot Casabar, 28-anyos, may asawa, residente naman ng Purok 3, Brgy. Rizal, Santiago City.


Sa nakalap na impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, inihayag ng suspek na driver ng puting Hyundai Tucson na may plakang NQT 669, bandang alas singko ng hapon kahapon ay bigla umanong tumawid ang biktima kaya’t nabigla ang drayber na sinubukan pang mag-preno subalit nabangga pa rin nito.

Agad na sinampahan ang drayber ng SUV ng Reckless Imprudence Resulting (RIR) to Homicide na sanhi ng pagkamatay ng naturang bata.

Facebook Comments

From Advertisers