5-anyos sa US, nahuling nagmamaneho dahil may plano umanong bumili ng sasakyan

756
(Unsplash)

Ikinagulantang ng mga pulis mula California, US ang driver ng hinuli nilang sasakyan na umaandar sa freeway ng Utah noong Lunes.

Isa kasing 5-anyos na lalaki ang nagmamaneho ng kotse na nakapagpaandar na ng ilang milya mula sa kanilang bahay sa Ogden patungong 25th Street offramp sa California.

Ayon sa report ng Utah Highway Patrol, unang inakala ng mga pulis na makatatagpo sila ng may kapansanan ng tsuper ngunit biglang tumambad ang batang naiulat na matindi ang pagkahilig sa mga mamahaling sasakyan.


Kwento raw ng bata, umalis siya sa kanila matapos magkaroon ng away sa pagitan nila ng ina dahil daw hindi siya nito binilhan ng sasakyan.

Nagpasya raw siyang bumili ng Lamborghini nang mag-isa.

Pero saad ng mga pulis, imposible rin daw ito dahil kulang ang halagang dala ng paslit.



Mayroon lang daw itong $3 sa loob ng kanyang wallet.

Samantala, wala namang parusang ibinigay ang mga pulis sa naturang bata.


Facebook Comments