5-anyos sa US, nasagip mula sa sunog matapos magtago sa lagayan ng laruan

(SNOHOMISH COUNTY FIRE DISTRICT 7)

WASHINGTON, USA – Nagawang maisalba ang buhay ng isang 5-anyos na babae mula sa nasusunog na bahay matapos itong matagpuang nagtatago sa isang “toy trunk” o lagayan ng laruan na nagtangkang tumakas.

Ayon sa report ng mga pulis, Linggo ng umaga ng may isang kapitbahay na nakapagsumbong tungkol sa usok na nagmumula umano sa kalapit na gusali.

Nakumpirma ng mga fire officials mula sa local police department na ipinagbigay-alam umano sa kanilang mayroong bata sa naturang bahay.


Ngunit nang pasukin daw nila ito ay walang kahit anong sinyales na may paslit sa loob.

Makalipas ang ilang sandali ay dumating ang ilan pang rumesponde sa lugar kung saan nadiskubre na ang bata ay nagtatago sa loob ng isang toy trunk o lagayan ng laruan.

Agad na kinuha ng mga ito ang bata at isinugod sa ospital.

Samantala, ayon sa paramedics ay hindi kinakailangan ng medical assistance at hindi na raw kailangang gamutin ang bata dahil wala raw itong kahit anong tinamong sugat.

Naiulat na ang toy trunk ay nakita sa loob ng isang kwarto ng naturang bahay.

Facebook Comments