
Isinulong ni Trabaho Partylist Rep. Johanne Bautista ang 5-araw na calamity leave na mayroong “full pay” o buong bayad sa mga kwalipikadong empleyado ng gobyerno at pribadong sektor na direktang apektado ng kalamidad.
Nakapaloob ito sa House Bill 4434 o ang panukalang “Calamity Leave Act” na inihain ni Bautista a layuning matulungang makabangon ang mga biktima ng kalamidad kung saan tiyak na mayroon pa ring silang makukuhang sweldo kahit lumiban sa trabaho.
batay sa panukala ni Bautista, kabilang sa mga rasoon para sa calamity leave ang:
• Agarang pagkukumpuni at paglilinis ng apektadong bahay o ari-arian;
• Pagka-stranded sa lugar na sinalanta ng kalamidad, o kawalan ng available na transportasyon;
• Nasugatan o nagkasakit dahil sa kalamidad;
• Pagtulong sa kaanak na biktima ng kalamidad; at
• iba pang katanggap-tanggap na rason na tutukuyin ng employer.









