5 arestado dahil sa Shabu sa DOS

Arestado ang lima kataong di umanoy sangkot sa bentahan ng droga sa Sitio Siawan Brgy Tamontaka Datu Odin Sinsuat Maguindanao

Sa report mula sa tanggapan ni PRO ARMM Director CSupt Graciano Mijares, pasado alas singko kahapon ng umaga ng ikasa ang buybust ng pinagsanib na pwersa ng DOS PNP, 2nd Maneuver Platoon, PPSC MagPPO at PDEA ARMM.

Kinilala ang mga nahuli na sina Ding J. Abdullah, 30yo; Muslimin B. Udtong, 30yo; Juhery S. Abdul, 32yo, na di manoy caretaker ng drug den; Madelo K. Abdulkadir, 19yo at ang ang isang 17yo na lalaki, lahat ay residente ng nabanggit na lugar.


Nasabat sa kanila ang apat (4) na sachets ng shabu na may estimated value na P20,000, 1 unit of cal. 45 pistol w/out SN; 2 piraso ng magazine assembly w/ 8 rds of ammos at P200 marked money at mga parapernalya.

Kasalukuyang inihahanda na ang kaukulang kaso sa mga naaresto.

Facebook Comments