Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) ang limang operator ng sex den sa isinagawang raid sa Atimonan, Quezon.
Kinilala ni NBI Officer-In-Charge Eric Distor ang mga arestadong operator na sina
Renita Agoho Francia alias Madam Aleth, manager/operator ng sex den; Rowena Tocayon Abo, cashier; Lyra Amado Riego, all around worker; Josefina D. Devilles, in-charge sa counter section ng sex den; at Mary Anne Parco Alvarez, all around service crew.
Naaresto ang mga ito matapos ang isinagawang entrapment operation laban sa operator at maintainer ng Kingfisher Lodge Hotel at Videoke Bar.
Nailigtas naman sa sex den ang pitong kababaihan na umaming nagsisilbi silang Guest Relations Officer (GRO).
Inihahanda na ang kasong human trafficking laban sa limang operator.