5, atestado sa iligal na pagsusugal sa Las Pinas City

49

Arestado ang limang indibidwal matapos magsagawa ng iligal na pagsusugal sa magkahiwalay na lugar sa Las Pinas City.

Unang nasakote ng Las Pinas City Police sina Reynaldo Bansiloy, Arnold Adoyo at Jocelyn Manalo na nagtotong-its sa Cosme Compound, Barangay Talon Uno.


Nabatid na dumayo pa sina bansiloy at adoyo sa lugar ni manalo para lamang magsugal kung saan nakuha sa kanila ang isang set ng baraha at perang pantaya na aabot sa P1, 640 sa kabuuan.

Sunod na nadakip ang magkaibigan na sina genie san lorenzo at elvin aranzado na nagkakara-krus sa may bahagi ng Apitong kanto ng Narra Street sa Barangay CAA.

Nakuha sa kanila ang tatlong bente singkong barya ma ginagamit aa sugal at perang pantaya na aabot aa P104.

Kapwa aminado ang limang naaresto na nagsusugal sila para pampalipas ng oras pero ipinaalala sa kanilang ng mga otoridad na labag sa batas ang kanilang ginagawa.

Kaugnay nito, hindi titigil ang las pinas city police na magsagawa ng anti-criminality campaig para mahuli ang mga pasaway sa lungsod na kanilang nasasakupan.

Facebook Comments