5 author ng fake news sa social media, naaresto na ng PNP

Kinumpirma ni PNP Chief General Archie Francisco Gamboa na limang authors ng mga pekeng impormasyon sa social media ang naaresto na ng Philippine National Police.

Aniya, ang limang authors na ito ay kabilang sa 24 na mga indibidwal na inirereklamo ng 32 katao dahil sa pagpo-post ng mga maling impormasyon patungkol sa COVID-19 na nagdudulot ng panic sa mga nakakabasa.

Sinabi ni Gamboa na simula nang umiral ang Enhanced Community Quarantine, 20 insidente ng fake news ang nadiskubre na ng PNP.


Habang nagsasagawa naman ng case build up ang PNP laban sa mga authors ng impormasyong sinalakay umano ng mga pulis ang The Medical City at kinuha ang mga Personal Protective Equipment (PPE).

Sinabi ni Gamboa mismong managemet ng nasabing ospital ang nagsabing fake news ang impormasyong kumakalat sa social media.

Babala ng PNP Chief, lahat ng mga nagpapakalat ng fake news ay sasampahan ng mga kasong online libel at paglabag sa anti-cybercrime law.

Facebook Comments