Cauayan City, Isabela- Pinagkalooban ng Police Regional Office No. 2 ng panibagong motorsiklo ang limang miyembro ng pulisya bilang kapalit ng sunugin ng armadong grupo ang limang motorsiklo ng makaengkwentro sa Gattaran, Cagayan.
Pinangunahan ni PRO2 Regional Director PBGEN Crizaldo O Nieves ang turn-over ceremony para sa bagong mga motorsiklo na magagamit sa intelligence operatives ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO) at Regional Mobile Force Battalion 2.
Kaugnay nito, narekober din ang submachine gun at iba’t ibang uri ng bala nitong sabado, Agosto 15.
Ginawaran din ng Medalya ng Kagalingan ang limang pulis na nanguna sa nangyaring engkwentro na sina Pat Jan Dale M Garma; PSSg Crenzlorie P Tapiru; Pcpl Neil John T Martinez; Pat Joffrey B Ciubal; at PSSg Leamsy M Montesines kung saan nagpamalas ang mga ito ng kabayanihan sa kanilang operasyon.
Sa naging mensahe ni PBGen. Nieves, pinuri niya ang katapangan ng pulis ng mangyari ang engkwentro sa pagitan ng komunistang grupo.
Una rito, magsisilbi sana ng search warrant at warrant of arrest sa Brgy. Mabuno at Tanglagan sa Gattaran ng mangyari ang hindi inasahang engkwentro.
Lumabas sa inisyal na imbestigasyon, agad na nagpaputok ng baril ang mga rebelde na ginantihan din ng putok ng baril ng mga pulis.
Tumagal ang palitan ng putok ng baril ng halos 20 minuto habang wala namang naitalang sugatan o casualty sa pagitan ng pulisya.
Patuloy naman ang isinasagawang manhunt operation para sa ikakaaresto ng mga miyembro ng armadong grupo.