Cauayan City,Isabela- Idineklara ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing Program ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang limang barangay sa Bontoc, Mountain province.
Kinabibilangan ito ng mga barangay ng Tocucan, Gonogon, Guina-ang, Maligcong, at Bayyo.
Personal na tinanggap ni Mayor Franklin Odsey ang Certificate of Drug-Free Barangay para sa Tocucan sa ginanap na pagpupulong ng mga kasapi ng Municipal Advisory Council (MAC) and Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC).
Pinuri naman ng alkalde ang mga barangay officials at residente sa pagkakadeklara sa kanilang barangay bilang drug-cleared at sa kanilang sama-samang pagsisikap na masawata ang iligal na droga sa lugar.
Bahagi naman ng nangyaring pagpupulong ang pagsasapinal ng Bontoc Emergency Response to Addiction (BonTERA) Batch 3 para sa third phase ng Community Based Program sa intervention ng drug personalities/drug surrenderers sa naturang bayan.
Samantala, tinalakay rin ang ilang usapin gaya ng pagbili ng body cameras at breath analyzer gayundin ang pagsasagawa ng outreach program sa mga natukoy na barangay.