Isinuko na ng kampo ni Kingdom of Jesus Christ founder at leader Pastor Apollo Quiboloy ang ilan sa kanyang mga armas.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Rommel Francisco Marbil, isinuko ang 5 armas sa Regional Civil Security Unit o PRO 11 Davao city kaninang umaga.
Habang ang 14 na mga armas nito ay isusuko narin anumang oras o araw.
Matatandaang inaprubahan ni PNP Chief Marbil ang rekomendasyon ng Firearms and Explosives Office na ipawalang bisa ang license to own and possess firearms ni Quiboloy na nahaharap ngayon sa mga kasong child abuse, sexual assault, trafficking, exploitation and discrimination at nanatiling at large.
Facebook Comments