Bihira man o madalas ang iyong pagtatravel, isang napakalaking tulong parin ang maging handa at magkaroon ng listahan ng mga bagay na iyong dadalhin. Malayo man o malapit, hindi mag-iiba ang pangangailangan ng isang traveler.
Bukod sa mga tipikal na pangangailangan katulad na lamang ng underwear at toiletries, hindi dapat mawala sa inyong mga maleta ang mga ito.
1. WATER BOTTLE
Ang tubig ang pinakauna sa pangangailangang pisikal ng bawat tao. Dahil na lamang sa kadahilanang ang katawan natin ay may 60% water, nararapat lamang na ang pagiging hydrated ang una nating iprayoridad habang tayo ay nagtatravel. Lalong lalo na kung tayo ay nasa lugar na hindi tayo pamilyar, napakalaking tulong kung mayroon tayong sariling baon na maaari nating mainom sa kahit anong oras na tayo ay mangangailangan.
2. PEN and JOURNAL
Isang kaakibat na responsibilidad ng isang nagtatravel ang paglilista at pag-aasikaso ng mga kinakailangang dokyumento. Malaking tulong ang pagdadala ng panulat sa kahit anong oras upang maging handa sa mga notes at hindi inaasahang isyu sa mga dokyumento.
3. SCARF or TRAVEL WRAP
Isa sa mga kalimitang problema sa pagtatravel ang pabago bagong panahon at klima sa bansang iyong pupuntahan. Maging sa eroplano ay may mga hindi inaasahang pagkakataon na paglamig ng temperatura. Napakalaking tulong ng scarf na magsisilbing “handy” kumot na panabla sa atin laban sa lamig na minsan ay magagamit rin natin upang accessory sa ating mga OOTD.
4. CHARGERS and POWERBANKS
Sa panahon ngayon, hindi mawawala ang cellphone sa ating mga kamay. Hindi lamang para sa ating entertainment kundi para na rin stay connected tayo sa ating mga kaibigan at minamahal sa buhay. Isang “must to do” habang nagtravel ang pag-uupdate sa ating mga minamahal sa buhay lalo na kung first time tayo sa bansang ating pinuntahan. Ang ating mga cellphone rin ang magsisilbing pinaka unang tulong kung sakaling tayo ay nasa panganib at naliligaw sa lugar na ating pinuntahan. Kaya nararapat lamang na hindi natin kalimutan ang pagdadala ng chargers at powerbank na magsisilbing tubig kapag nauuhaw na ang ating mga cellphones.
5. JUST-IN-CASE KIT
Ang laman ng “Just-in-case kit” ay ang mga bagay na madalas nating makalimutan at mga importanteng bagay na madalas nating balewalain. Katulad na lamang ng pardible, sinulid, karayom, band-aid, gamot, napkin at iba pa. Ito ay naglalman ng maliliit na bagay na may malalaking tulong sa mga biglaang pangyayari lalong lalo na kung hindi tayo pamilyar sa bansang ating ginagalawan.
Article written by Ference Alvarez
Facebook Comments