5 batayan ang kinukunsidera ngayon ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging and Infectious Diseases para ilift o tanggalin na ang umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Luzon.
Sa virtual presscon ni Inter-Agency Task Force on Emerging and Infectious Diseases spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles sinabi nitong masusi nilang pinagdedebatehan sa task force ang ibat ibang mga factors upang matukoy kung papalawigin pa o magkakaroon ng partial o total lifting ng ECQ.
Kabilang aniya dito ang kasalukuyang bilang ng mga kaso ng covid sa bansa, ang kapasidad ng ating health care system, social factors, ganundin ang impak ng COVID-19 sa Ekonomiya sa bansa at ang seguridad ng taumbayan.
Sinabi pa ni Nograles na marami silang kinokunsidera sa pagpapalawig o lifting ng ECQ hindi lamang batay sa datos kundi base rin sa Siyensya.
Kapag nagkaroon na aniya ng nagkakaisang desisyon ang task force doon na nila ipapasa ang kanilang rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte at ang Pangulo na aniya ang bahala o nasa kanya na ang pinal na desisyon
Ang ECQ sa Luzon ay magtataggal hanggang sa susunod na Linggo o hanggang April 12, 2020.