5 Bayan na COVID-19 Free sa Isabela, Nadagdagan pa

Cauayan City, Isabela- Umabot na sa limang (5) bayan ng Isabela ang ang COVID-19 Free batay sa inilabas na datos ng Provincial Health Office ngayong araw, Pebrero 23, 2022.

Kabilang ang mga bayan ng Cabagan, Divilacan, Quezon, Quirino at San Guillermo.

Bagama’t may bumaba na ang mga naitalang kaso, nananatili naman sa may mataas na bilang ang lungsod ng Santiago na umabot sa 18.

Samantala, patuloy naman ang pagbaba ng aktibong kaso ng COVID-19 sa buong lalawigan na nasa kabuuang 142 nalang.

Nakapagtala naman ng isang (1) kaso ng pagkamatay may kaugnay sa COVID-19 habang 37 ang nakarekober mula sa sakit.

Patuloy pa rin ang paghimok ng health authorities sa publiko na sumunod pa rin sa ipinatutupad na health protocol upang makaiwas sa banta ng COVID-19.

Facebook Comments