5 bayan sa Maguindanao, nakatanggap ng Agricultural Inputs aT IEC materials mula sa DAF-ARMMHELPS!

Mga bayan ng South Upi, North Upi, Sultan Kudarat, Pagalungan at Datu Hoffer sa lalawigan ng Maguindanao ang nabiyayaan ng Agricultural Inputs at IEC materials ng DAF-ARMMHELPS.
Ang Brgy. Kuya sa South Upi ay nakatanggap ng 30 sako ng OPV corn seeds, 20 sako ng palay seeds, 200 packs ng assorted vegetable seeds at IEC materials.
Nakatanggap din ng mga kahalintulad na biyaya ang barangay Brgy. Ganasi sa North Upi, Brgy. Damaniog sa Sultan Kudarat, Brgy. Malakut ng Pagalungan at Brgy. Tuayan ng Datu Hoffer.
Ito ay suporta sa 636 barangay na tinarget ng ARMM-HELPS-BRIDGE.

Facebook Comments