5-bilanggo ng Compostela Police Station sa Cebu nakapuga

Nakapuga ang limang mga inmates ng Compostela Police Station, sa bayan ng Compostela Cebu,kahapon ng madaling araw.

Agad nagsagawa ng manhunt operation ang Compostela Police ,laban sa mga inmates na sina Givanni Tapayan, Joel Cuyos, Rubin Catipay, Nelson Agbay na taga bayan ng Composela at si Joseph Pio Mahinay na taga bayan ng Liloan Cebu.
Ang tatlo sa mga pugante ay nahaharap sa kasong may kaugnayan sa illigal na droga.

Ayon kay PO2 Larry Fernandez, assistant team leader ng Compostela Police Station na ang mga inmates ay naka puga sa pamamagitan ng pagputol sa bakal na rehas ng selda gamit ang lagari.


inmates, Cebu

Facebook Comments