Marawi City – Inihayag ni Budget Secretary Benjamin Diokno na nakapaglaan na ang pamahalaan ng 5 bilyong piso na huhugutin sa 2017 National Budget para sa rehabilitasyon ng Marwi City.
Ayon kay Diokno sa briefing sa Malacañang, mula Agosto hanggang Disyembre ay mayroon na siyang natukoy na paghuhugutan ng pondo na aabot sa 5 bilyong piso para pangtustos sa pangangailangan ng rehabilitasyon ng Marawi City.
Paliwanag ni Diokno, magmumula sa ibat-ibang tanggapan ng pamahalaan ang nasabing pondo particular sa slow moving projects ng pamahalaan.
Binigyang diin din nito na hindi lang isang taon ang kakailanganin para sa rehabilitasyon ng Marawi City at possible pa aniya itong umabot sa 2019 depende sa pangangailangan ng lungsod.
Sa susunod na taon aniya ay naglaan na ang DBM ng 10 bilyong piso para sa rehabilitasyon pero hindi naman masabi ni Diokno kung magkano ang kakailanganin sa 2019 pero sinabi nito na posibleng mahigit 20 bilyong piso ang kakailanganin bago tuluyang maibangong ang Marawi City.