5 Binata sa Isabela, Minalas sa Lucky 9, Kulong

37

Cauayan City, Isabela- Bagsak sa kulungan ang limang (5) binata matapos maaktuhang nagsusugal habang nagtatagay sa Albano St. Brgy. District 3, Cauayan City, Isabela.

sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, nakilala ang mga suspek na sina Robin Castillo, 26 taong gulang, chef, residente ng brgy. San Fermin, Cauayan City; Jan Carlo Bondad, 23 taong gulang, residente ng brgy District 3; Jervin Sioco, 24 taong gulang, residente ng Brgy. District 1; William Daguiña, 31 taong gulang, residente ng brgy District 1; at Rick Bondad, 27 taong gulang at residente naman ng brgy District ng parehong Lungsod.

Una rito, nagsagawa ng pagpapatrolya ang tropa ng Cauayan City Police Station kasama ang ilang opisyal ng barangay sa District 3 nang maaktuhan ang ginagawang pagsusugal ng mga suspek habang sila ay nag-iinuman.


Dahil dito, agad na dinakip ang mga suspek na kung saan nakumpiska sa lugar ang isang (1) set ng baraha na ginamit sa paglalaro ng ‘Lucky 9’ at pera na nagkakahalaga ng Php199.00.

Dinala muna sa Cauayan District Hospital ang mga suspek para sa medical examination bago ipinasakamay sa himpilan ng pulisya.

Maging ang mga nakumpiskang ebidensya ay ipinasakamay sa pulisya para sa kaukulang disposisyon.



Inihahanda na ang kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling at paglabag sa City Ordinance EO. 40-2021 Sec. 6 partikular ang liquor ban na isasampa laban sa mga suspek.

Facebook Comments