5-Buwang BUNTIS, DAKIP sa Drug-Buy-Bust sa Naga City

62

Tatlong suspects na naman ang nahulog sa mga kamay ng kapulisan at ng elemento ng PDEA dahil sa walang kadala-dala na involvement sa pagtulak ng illegal na droga. Sa isinagawang operasyon ng PNP Naga at Regional Drug Enforcement Unit at Naga City Drug Enforcement Unit sa Sitio Sagrada Familia, dating tanyag sa tawag na “Isla Sison” sa Brgy. Penafrancia, Naga City kahapon bandang alas 12 ng tanghali, arestado ang tatlong personalidad na kinilalang sina Jessie Aspe, edad 27 ng Brgy. Siembre, Bombon, Camarines Sur, Pedro Benito, edad 38, Brgy. ConPequena, Naga City, at kanyang live-in partner na si Maria Josefa Marchan, nakatira sa Alegre Compound, Brgy. Penafrancia, Naga City. Si Marchan ay napag-alamang buntis ng limang buwan. Nakuha mula sa mga suspects ang plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng humigit-kumulang 8,000 pesos. Narecover din mula sa kanila ang ginamit na buy-bust money na ginamit ng mga elemento ng PNP at PDEA. Ang mga nadakip ay nasa kustodiya ng kapulisan at inihahanda na ang karampatang kaso laban sa kanila. Tags: “Isla Sison Naga City: PNP Naga, PDEA

Facebook Comments