Manila, Philippines – Para kay Senator Leila De Lima, sobra o isang kalabisan at labag sa konstitusyon na paabutin hanggang December 31 ang umiiral na martial law sa buong Mindanao.
Giit ni De Lima, nakasaad sa Section 18, Article VII ng konstitusyon na hindi maaring humigt sa 60-araw ang extension ng martial law.
Paliwanag ni De Lima, ang pagpapalawig ng batas militar ay dapat nakabase sa aktwal na rebelyon at hindi pwedeng idaan sa prediksyon o hula na sa loob ng limang buwan ay magkaroon pa ng karahasan at pag-atake sa Mindanao.
Hindi rin aniya dapat isantabi ang apela ng business sector sa Davao City na tapusin na ang martial law dahil nakakaapekto na ito sa sektor ng turismo at pamumuhunan.
Buo din ang paniniwala ni De Lima na ang martial law extension ay paraan ni Pagulong Duterte para unti-unti tayong ibitaw sa constitutional democracy upang bigyang daan ang pag-iral na authoritarianism sa bansa.
Bunsod nito ay umaapela si De Lima sa mga mambatas na gampanang mabuti ang kanilang mandato na proteksyunan ang taumbayan laban sa pag abuso sa martial law power ng ehekutibo.