
Naaresto sa pinagsanib na pwersa ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Immigration (BI) ang limang Chinese nationals sa Brgy. San Antonio, San Pedro City, Laguna.
Kinilala ang mga naaresto sa mga alyas na “Chen,” 37; “Li,” 32; “Cai,” 20; “Junqiu,” 46; at “Ping,” 35 taong gulang.
Kaugnay nito, inakusahan ang mga ito ng “undesirability” sa ilalim ng Philippine Immigration Act dahil sa pagpapanggap bilang isang Pilipino.
Sa ngayon, ang limang akusado ay pinoproseso ng CIDG RFU 4A bago sila dalhin sa BI para sa gagawing inquest proceedings at legal actions.
Ayon kay Acting Chief PNP Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr., malugod nilang tinatanggap ang mga legal na dayuhan na napiling manatili sa Pilipinas.
Ngunit ang mga dayuhang nanloloko at lumalabag sa batas ay kakaharap sa kaukulang aksyon.









