
Tinanggap ng Department of National Defense (DND) ng Pilipinas ang 5 Coastal Radar Systems mula sa ilalim ng Official Security Assistance (OSA) ng Japan sa ginanap na ceremonial handover sa Camp Aguinaldo.
Ang nasabing seremonya ay pinangunahan ng Secretary ng National Defense na si Gilberto C. Teodoro Jr. at ang Ambassador ng Japan sa Pilipinas, His Excellency Endo Kazuya.
Kabilang sa proyekto ang radar units, surveillance, at monitoring equipment, communications systems, at iba pang support components para sa coastal monitoring at maritime security operations.
Kung saan ang nasabing proyekto ay inaasahang magpapalakas ng surveillance coverage, koordinasyon sa maritime operations, humanitarian assistance at disaster response, at iba pang security operations ng Philippine Navy.
Nagpasalamat naman si Secretary Teodoro sa pamahalaan ng Japan dahil sa patuloy nitong pagpapalawak ng ugnayan ng dalawang bansa, na may layong maisulong ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon ng Indo Pacific.










