5 COVID-19 patients sa Russia, patay sa pagsabog ng ventilator

(DMITRY LOVETSKY / AP)

MOSCOW, Russia – Lima katao ang nasawi matapos sumabog ang lung ventilator na ginagamit para sa COVID-19 patients sa St. George Hospital sa St. Petersburg noong Huwebes.

Ayon sa TASS news agency, biglang umapoy sa loob ng intensive care unit (ICU) kung saan ginagamot ang 20 pasyente na may coronavirus disease.

Ito na raw ang ikalawang beses na nangyari ang kaparehong insidente dahil sa overloaded na ventilators.


Naiulat din na ang mga ginamit na ventilators ay parehong nanggaling sa iisang pabrika sa Urals region.

Nagsagawa ng imbestigasyon ang awtoridad noong Martes.

Kaugnay nito, naulit ang insidente sa isa namang pribadong ospital sa Moscow na kumitil naman ng siyam katao.

Ayon sa federal service ng Russia, aasikasuhin nila ang seguridad at kaligtasan ng mga ventilators na ginagamit sa  mga ospital na pinangyarihan ng insidente.

Samantala, ayon sa mga experts, marami na kasi sa mga makinarya at kagamitan sa malalaking siyudad gaya ng Russia ang naluluma na.

Kamakailan lang ay naiulat ang Russia na mayroon ng 232, 243 kaso ng COVID-19 noong Martes, ikalawa sa US na may pinakamataas na bilang ng virus cases.

Umabot na rin sa 2,116 katao ang nasawi dahil sa naturang sakit.

 

 

 

Facebook Comments